Sabado, Setyembre 15, 2012

Paano nagsimula si Andie Hizon bilang writer? (Requested by Jeg Guerrero)

Nagsimula ang lahat nang wala akong magawa sa buhay ko. Tinatamad ako sa course ko, naiinis ako sa mundo. Sa pagbabasa lang ako ng pocketbook masaya. At dahil nagpalit ako ng course at hindi masyadong time consuming ang bago kong course ay sinubukan kong gumawa ng manuscript.

So, iyon ang simula, nagsulat ako ng manuscript. Wala naman sigurong writer na hindi nagsimula sa pagsusulat ng sarili niyang manuscript? At walang first timer na hindi kinabahan habang ipinapasa ang manuscript niya sa isang publishing company. Pagkatapos niyon, nagdasal na ako, hahaha! 'Yun din ang tingin kong ginawa ng iba. Pero iba ako dahil nakipag-bargain pa ako. Nangako akong magpapakabait, etc,.

My first manuscript was approved. Pero hindi Mahal Kita, Dati Pa ang title niyon. Kung ano ang title, SECRET, NO CLUE! Sunod-sunod na naaprubahan ang iba pa. Until my first book was released.

Trahedya ang kinalabasan. Siguro hindi lang na-appreciate ng mga mambabasa ang libro ko noon. So, iyon, hindi ninyo kayang imagine-in ang pinagdaanan ko noon. At hindi ko pa rin ma-imagine ngayon na nalagpasan ko iyon. 

Pero kalimutan na natin ang pangit ng part ng buhay ko bilang manunulat. Sinubukan kong bumalik sa pagsusulat, siguro ay isang taon din ang kinailangan ko para bumalik ang pride ko na sinira ng iba. Sorry sila, mas matigas ako sa akala nila.

Hindi ko alam kung ilang beses na na-returned sa'kin ang mga manuscript sa loob ng isang taong pinipilit kong bumangon. Pero wala akong pakialam, ang importante sa'kin, makabalik sa mundong gusto ko. Until one day in May, na-approve ang Mahal Kita, Dati Pa. Para akong muling ipinanganak.

Ngayon, ilang libro ko na rin ang nai-published na. Higit pa yata sa saya ang nararamdaman ko. Ang moral lesson sa blog na ito: Kung may pangarap ka, huwag kang susuko hangga't hindi mo iyon naaabot. Huwag mong hahayaan ang iba na kunin sa'yo pati ang lakas ng loob na gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa'yo. Huwag mong hahayaan ang iba na tanggalan ka ng karapatan na abutin ang mga pangarap mo. 


-----

4 (na) komento:

  1. naks! naman, ganyang ganyan din feeling ko ngayong naghihintay ako ng results ng MS ko sa PHR.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Don't lose hope. If it's not your time, malay mo naman bukas na iyon :) Good luck sa writing career :)

      Burahin
  2. Hi, Andie! Wah. I think alam ko na kung ano pinagdaanan mo noon. I had no idea na ikaw 'yon (until now) but I'm so glad na nakabalik ka pala sa pagsusulat. Nakaka-inspire naman. More power sa career mo!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks, Ate Yas. Yeah it's me! Hahaha! Pero puwede bang secret na lang natin yun hihihi :))

      Burahin