Sabado, Setyembre 15, 2012

Ang istorya sa likod ng pagkakabuo ng Oplan: Playing Cupid :)

Paano nabuo ang konsepto?

-- Nabuo siya habang isinusulat ko ang Romeo and ... Pilar? Sa totoo lang, hindi naman siya dapat series. Hindi ko alam kung bakit ako tinoyo 'nung isinusulat ko na ang first book at nagdesisyon akong gawan siya ng sariling title.

Sino-sino ang original characters?

-- Ang first set ng names ay Angelo, Anjo, Andrew, Anthony, Andrei and Andie. So sina Andie at Anthony lang ang na-retain. Kahit balikan natin ngayon ang Romeo and ... Pilar? Angelo ang name ng panganay na Duavit. Hahaha!

Describe the characters :)

-- Si Anderson, ang panganay sa mga Duavit. Noong una, gusto ko siyang gawing isang klase ng lalaking iresponsable. Kasi 'diba? Sa isang Online Gaming Company siya nagtatrabaho. So, imbes na gawing iresponsable, ginawa ko siyang light na karakter. Not too responsible, not irresponsible. Siya ang tipo ng lalaking masarap kausap at magaan kasama. (Hindi ba ako parang nag-e-endorse ng alak? hahaha!)

-- Si Anthony, siya naman ang pangalawa sa panganay pero kung babasahin natin ang nobela, parang siya pa ang panganay. Siya naman ang tipo ng lalaking mahirap biruin dahil napakaseryoso. Sinadya kong gawing "mature" ang character niya. Pero siyempre may soft side pa rin. And I think that's what makes him lovable. 

-- Si Ansell, ang pinaka-sexy sa mga lalaking Duavit, base iyan sa imagination ko, haha! He is the haciendero type of a guy. Imagine-in niyo 'yun! Para sa'kin, si Ansell ang pinaka-hot sa lahat ng hero na nabuo ng imahinasyon ko.

-- Si Andreu, ang pinaka-friendly sa lahat. Kung hot si Ansell, cute naman ang unang word na pumasok sa isip ko para kay Andreu. Siya iyong tipo ng lalaking masarap kausap at smile pa lang ulam na. Mapang-inis siya pero sa babaeng gusto niya lang. Hindi siya plastic na tao kahit pa show business ang pinagkakaabalahan niya. And he cares for everyone's feeling. Which I think is not a 'plastic' attitude. Ayaw niya lang ng may nasasaktan. Tapos.

-- Si Anieli, ang bunso sa mga lalaking Duavit. He is the second friendly person in the family, next to Andreu. Bilang bunso sa mga lalaki, siya ang pinaka-childish, o ako lang ang nag-iisip 'nun? Hahaha! Si Anieli ang pinakamasarap makasama dahil hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. He can sacrifice his own feelings for his siblings. Hindi halata pero good catch talaga 'tong si Anieli.

-- Si Andrea, ay naku po! Wala akong masabi hahaha! Si Andrea o Andie ang dakilang Kupida ng pamilya.Sa kanya nagsimula ang Oplan: Playing Cupid. Siya ang isang taong hindi mo puwedeng rendahan. Para siyang ikinukulong kapag hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Pasensya na, mana siya sa'kin, hihihi :)


P.S
Para sa mga taong bumili (nag-aksaya ng pera) at nagbasa (naniwala sa kalokohan ko), maraming salamat at mahal ko kayo :):*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento