Huwebes, Setyembre 20, 2012

Bakit Laging Mayaman at Gwapo ang mga Hero sa Nobela? (Requested by Ate Lot)

Madalas na maungkat sa isang nobela kung gaano kayaman at ka-gwapo ang isang hero. Sandamakmak na kotse, matataas na building, sangkatutak na negosyo, mala-palasyong bahay, hindi mabilang na kasambahay, sangkaterbang babaeng nahuhumaling, nag-uumapaw sa kagwapuhan at kayamanang kayang pakainin hanggang ang kahuli-hulihang apo sa tuhod. Iyan ang usual na hero sa isang nobela.

Ang tanong, "Bakit ganyan ang palaging deskripsyon sa HALOS lahat ng librong nababasa natin?". Simple, because that is ideal. Sinong mambabasa ang gustong makabasa ng isang nobela na pulubi at gusgusin ang hero? Taas ang kamay! (Ha-ha!) Bilang manunulat, kailangan ay alam ko rin kung paano ako masa-satisfy bilang mambabasa. At bilang mambabasa, alam kong itatapon ko agad ang librong pulubi ang hero. (Chos lang!)

Base sa 'maikling' oras ko sa isang workshop, ayos lang kahit hindi palaging mala-prinsesa ang heroine pero kailangang laging mala-prinsipe ang hero. Isn't that unfair? (ha-ha!) Pero kung iisipin natin, sa halos 95% na babaeng mambabasa ng romance pocketbook, kaunti lang siguro sa mga iyon ang papayag kapag sinabing hindi gwapo ang magiging hero sa nobela. Sa tingin ko, common necessity na isang nobela ang 'yummy' na hero.

Para sa akin, na mahilig din lumikha ng mga gwapo at mayayamang lalaki, isa iyong rule na hindi ko dapat suwayin. Though puwede namang gumawa ang iba ng kakaibang hero, kung gusto nilang gawing madungis ang hero nila, walang problema. Para lang sa'kin, puwede kong gamitin ang 'rule' na iyan pero dapat pa ring maging unique ang 'mayaman at gwapo' kong hero.

At sa palagay ko, minsan, kahit hindi mayaman ang hero ay ayos lang BASTA gwapo siya (ha-ha-ha!). Aminin ninyo, mga girls, okay lang magpakapagod sa trabaho kung pag-uwi ninyo sa bahay, gwapo ang dadatnan ninyo. Seriously, nakagawa na ako ng mga hindi mayamang hero katulad na lang ni Romeo sa nobelang Romeo and ... Pilar?. Isa lamang siyang simpleng kapitan ng baranggay, walang marangyang bahay at hindi 'mommy' ang tawag sa nanay.

I think I made his character because I want something 'real'. Hindi madalas na makakabasa ang mga readers ng ganoon. Pero aminin man natin o hindi, iyon ang totoong buhay. Hindi naman kasi malaki ang chance na makahanap tayo ng mga lalaking sobrang gwapo at sobrang yaman, pero hindi ko sinasabing imposible, ha? Walang imposible sa mundo.

So, para sa huli kong paragraph, masasabi kong palaging mayaman at magandang lalaki ang hero sa nobela sa kadahilanang mas masarap mangarap kaysa harapin ang realidad. Joke lang. I think because everyone wants the ideal kind of man. Kahit sa ilang oras na pagbabasa nila ng mga nobela, at least, naibibigay sa kanila ang mga lalaking, sabi nga iba, hanggang nobela lang. Tanggapin natin na sa mundo ng mga nobela, hindi accepted ang hindi 'yummy' na hero dahil hindi papayag ang isang manunulat na ma-disappoint ang mga mambabasa niya.

Ciao!

3 komento:

  1. Tama po kayo jan hindi rin ako papayag ng hindi gwapo ang hero sa binabasa kong novel chos,,,, hehehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha bonus na sa reader ang gwapong hero :)

      Burahin