Sabado, Setyembre 15, 2012

Bakit Romance-Comedy ang genre ni Andie Hizon?

Maraming nagtatanong kung bakit Rom-Com ang genre na napili ko. Ito ang sagot:

1. Dito ako masaya.
2. Dito ako komportable.
3. Hindi ako magaling magpaiyak.
4. Ayoko ng stressful na buhay.
5. Hmmm. Wala trip lang :D

Palagi, ay hindi naman, minsan may nabasa akong komento na nagsasabing puro pa-tweetums lang daw ang mga nobelang rom-com ang genre, hindi raw sensual, nakakasuya na. Ang masasabi ko naman: Ahh.. Huwag mo na lang basahin?

Hindi pare-pareho ang "taste" ng bawat mambabasa. May kanya-kanya rin tayong mood. Minsan gusto mong matawa, minsan gusto mong maiyak. Depende talaga.

Para sa'kin, hindi maganda ang pagdya-judge sa isang libro. Lahat ng libro may kuwenta, lahat may silbi, lahat may mapupulot ka. Kahit pa kalokohan lang, at least may bago kang natutunan. At least may naramdaman ka. Walang librong walang sense. Nasa nagbabasa lang talaga.

Balik tayo sa Rom-Com...

Sabi nila paboritong genre ng mga baguhang manunulat ng romance pocketbook ang rom-com. Ayaw ninyo ba 'nun? Ang ibig sabihin, maraming manunulat ngayon na gustong magpasaya ng mga mambabasa. Maraming manunulat ngayon na gustong maging magaganda at stress free ang readers nila. 

At naniniwala akong hindi kailangan ng isang bonggang-bonggang sex scene ng isang libro para kiligin ang taong nagbabasa niyon. Sa isang simpleng paghawak lang ng kamay ng mga karakter, maaari ka ng kiligin. At huwag tayong maghanap ng sex scene sa mga baguhan dahil karamihan sa amin ay mga bata pa. So, sa totoo lang, ang target market namin ay mga kabataan din.

Pero hindi ako magmamalinis, sinubukan ko na ring gumawa ng hot scenes sa ilang nobela ko. Pero siyempre hindi iyon intense. At sa bandang huli, rom-com pa rin ang dating niya. 

Ang mensahe ko lang sa lahat ng mambabasa: Respetuhin natin ang bawat isa. Susme! "It's a free country, you can do what you want!" sabi 'yan ni Bossing :)

Kung ano ang trip ng iba, huwag nating basagin iyon. Ito ang trip ko, sana respetuhin ninyo :)


6 (na) komento:

  1. you bring joy to your readers ate, matagal ko na yun napansin. I am so happy for you! take care always! :) wapakels sa iba... ikaw unique kasi permed ang utak mo
    XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thanks, shanna! alam kong ikaw yan hahaha! Tama, permed na permed :D

      Burahin
  2. -How I wish I could write rom-com. Haha. Hanga talaga ako sa mga writer na nakakapagpatawa ng readers, kasi bilang mambabasa, mas preferred ko ang rom-com. :)) Iyakin kasi ako at hindi ako nakaka-move on kapag may nabasa akong drama. Go, Ate Andie! Ipagpatuloy mo pa ang pagpapatawa sa'ming readers. <3

    TumugonBurahin
  3. Huy, Luna! Hahaha, ako naman, hanga ako sa mga writers na magaling magpa-iyak kasi siguro hindi ko yun kayang gawin hahaha!

    TumugonBurahin
  4. hehehehe, ang saya naman po ng mga blog mo. actually, rom-com naman ang syang kahinaan ko. ang bobo ko talaga sa comedy. siguro totoo nga ang sabi nilang okay na okay ang looks ko pero wala akong sense of humor. sana matuto rin ako ng rom-com.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kanya-kanya lang siguro talaga tayo ng genre :))

      Burahin