Biyernes, Setyembre 28, 2012

Books... books... books...

Ang blog na ito ay tungkol sa mga librong nabasa ko nitong mga nakaraang araw. Wala lang lang, trip ko lang mag-blog ngayon at ang mga pocketbooks na iyon ang na-trip-an ko. Puwede ko ring sabihing nagpo-promote ako ng mga libro ng mga kapwa ko writers hehe :)


#1: My Night Angel by Xandria
"If you missed me that much, you can give me a kiss. I wouldn't mind."

~ Bagay 'to sa mga taong kagagaling lang sa break up, para maengganyo silang magmahal ulit. Hehe! Gusto kong ang istoryang ito, pihadong mamahalin niyo rin ang hero at heroine tulad ko. Sa simula pa lang mararamdaman na natin kung gaano ka-attracted si Yvo (hero) kay Lira (heroine). Basta basahin niyo na lang, ayaw kong ikuwento, mawawala ang thrill.


#2: The Risk I'll Take by Cassandra
"I can't give you the world... I can't give you perfect happiness either. I can only give you myself, my love, and my soul..."

~ Dios Mio, Marimar! Ang dami kong iniluha sa nobelang ito. Parang One True Love (soap opera sa GMA 7) ang peg ng istorya nito. Ang kaibahan lang, may sakit na talaga si Yumi since birth. At iba rin naman ang naging ending. Basta sobrang nakakaiyak ang nobelang ito. As in, sobra! Kung masyado na kayong masaya at gusto niyo naman ng kaunting drama, basahin niyo lang ang The Risk I'll Take.


#3: Hiling by Maricar Dizon
"Every time I look at you I feel so young. I feel energized. I feel so alive."

~ I can say that this one is a pure drama, genre talaga iyon ni Maca. Napaka-epektibong writer kaya ganoon na lang ang nararamdaman ko habang binabasa ang nobelang HILING. It's about love and friendship. A very unique story. For sure mamahalin niyo rin ang character ni Chase Lorenzo kapag nabasa niyo na ang buong istorya.


#4: Waves of Love by Grace Ayana
"Hayaan mong yakapin kita nang mahigpit, hayaan mong damhin ko ang init ng katawan mo. If this is the last time na mapapalapit ako sa iyo nang ganito ay hayaan mong bauinin ko ang magandang ala-alang ito."

~ Hanggang ngayon ay nagtataka ako kung bakit wala pa ring ibang librong lumalabas si Grace Ayana. Hindi ko siya kilala personally, I don't even know kung may Facebook account ba siya. Noong nabasa ko lang kasi ang Waves of Love, humanga na ako sa galing niya. Ang masasabi ko lang, sobrang galing ng writer ng nobelang ito. Medyo ma-drama nga lang, so unlike me. So, sa mga naghahanap ng writer na magaling magsulat ng drama, try niyo ang Waves of Love ni Grace Ayana. Superb! Promise ko 'yan sa inyo :)


#5: A Taste of Heaven by Yelena
"I'm not saying loving you is going to be easy, but I know it's going to be worth everything."

~ Ang istorya nito ay umiikot sa isang sundalong nagngangalang Robert at kay Ella na gagawin ang lahat para muling makita si Robert. Nag-volunteer si Ella na maging nurse sa isang medical mission sa Mindanao just for him. True love nga naman 'diba? Maraming flashback sa kuwento pero maganda pa rin ang ending :)


#6: Maggie 's Doodles by Allie Sia Alonzo
"Kaya pala wala akong magustuhan dito, hinihintay pala kita."

~ Bet ko ang kuwento nito. Funny and serious at the same time. How can Pen do that? Ay, hindi ko rin alam. All I know is that I love Magnolia and I love her forever. At kapag nakilala niyo na si Andres, ewan ko lang kung hindi kayo ma-in love sa kanya :) <3


#7: Beauty In Love by Kayla Caliente
"Hindi mo kailangang pigilan ang sarili mo na mahalin ako. Because, my dear, the feeling is mutual."

~ One of my favorites. Nasaan na kaya si Miss Kayla ngayon? Grabe ang istorya nito, hindi ako mahilig sa drama pero tinapos ko talaga 'to. Simple lang naman ang plot, ugly duckling si girl at hindi lang basta ugly duckling, she even accept the painful fact that she'll be alone all her life because of her looks. And then one day, Dr. Aldon came into her life because of an accident. And he changes her life. The story was so nice I can't forget it.


#8: Our Little Secret by Princess Faye
"Mahal na kita ngayon. I don't know what to do with this feeling anymore. I want to share all of this with you."

~ Isa si Princess Faye sa mga new writers ng PHR na una kong hinangaan. I always believed in her talent at hindi lang iyon, pagaling siya ng pagaling habang tumatagal. Hindi ko 'to sinasabi dahil kaibigan ko siya, magaling lang talaga siya hehe. Anyway, I love the characters in Our Little Secret. Minsan kasi masyado tayong nagpapadala sa first impression kaya hindi natin nakikita ang iba pang ugali ng isang tao. Anyway, this story is highly recommended for college girls na may isang lalaking hate na hate. Para maisip niyo na may chance ding ma-in love kayo sa lalaking iyon. Hihihi!


#9: Lovefinder PostScripts: Thom And Dee (Treasure Of The Heart) by Victoria Amor
"Let me take care of you... hanggang maramdaman mo at paniwalaan na mahal kita..."

~ Pagdating sa drama, si Victoria Amor ang hindi ko pinapalagpas noon. Sobrang galing niya pagdating sa pagpapaiyak ng mga mambabasa at isa ako sa mga biktima niya. Thom and Dee's story was cute. Napaka-cute na nabitin pa ako sa dulo. Pakiramdam ko hindi sila masyadong nabigyan ng eksena pero sobrang busog ako sa kilig sa istorya na 'to. Kung mas mahaba lang sana, mas enjoy ako he-he!


#10: May Bukas Pa (Santanina's Love Story) by Star Canete
"Bakit mo 'ko tinititigan? May mali ba sa akin o may tama ka sa akin?"

~ Isa rin ito sa mga unforgettable novels na nabasa ko. Maybe because of the character's names. Santanina and Betong, unique 'diba? Isa pa, pinatunayan sa'kin dito ni Ate Star na hindi niya kailangang gumawa ng mayamang hero para lang magustuhan iyon ng mga readers. Kasi para sa'kin, kahit simpleng tao lang si Betong, mas nakakakilig pa rin siya kaysa kay Dingdong Dantes.


#11: Love Happens by Emily Reese
Noon din niya napagtanto na nang iabot niya ang kamay niya rito kanina upang magsayaw sila ay kasamang iniabot niya rito nang buong-buo ang kanyang puso...

~ Isa ang nobelang ito sa patunay na kusang gumagawa ng paraan si Kupido kapag trip niyang gawan ng 'moment' ang dalawang tao. Vigo and Jarysse were two different people who fall in love with each other. Sobrang magmahal dito si Jarysse, hanga ako sa kanya. Bow ako kay Toni sa pagsulat niya sa librong ito.


#12: Anatani Aitakute (Missing You) by Bethany Sy
"Hindi mo man ako inaakit, pero kahit tumayo ka lang sa harap ko at ngitian ako, naaakit na ako."

~ It's crazy! ha-ha! Ang cute ng istorya. The girl was just so cute. Saan kayo makakakita ng heroine na nanghahalik ng hero kapag feeling niya ay wala ng muwang si hero sa mundo? Kharen's charcter was just so great, I love her. Asihiro on the other hand is so fafalicious, hehe! **drools**


#13: Sleeping Heart by Kandice Gonzales
"Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa."

~ Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko kay Janicka sa hindi niya pag-iyak noong umalis si Jeff patungong America. Nakakaiyak 'tong istorya na ito. Ako ngumangawa na, iyong heroine, hindi pa. Nakakainis, 'diba? Haha! Ate Jhan, pagbigyan mo na ako sa paglalabas ko ng sama ng loob dito. Anyway, sa mga hindi pa nakakabasa nito, basahin niyo at hindi kayo magsisisi. Promise!


#14: Writers Of Love, Writers In Love: Ever After In Neverland by Allie Sia Alonzo
"Dapat nga ay proud ka pa na mahal kita. Isipin mo, ang isang katulad ko, nagkagusto sa isang tulad mo. Parang isang diyosa na nagmahal ng mortal.

~ Ito yata ang paborito kong nobela ni Pen. I love Pete and Tinkerbelle's friendship and as I go on reading, na-realize kong mas bagay nga naman silang lovers kaysa friends. I admired Tinkerbelle... a lot. Her character was so cute, bigla kong na-imagine na totoong tao siya na nakakasalamuha ko sa araw-araw. The story is funny at first and it gets serious as it runs close to ending. Maayos na maayos ang bawat eksena, nakakabusog sa tawa at kilig.


#15: Strange and Beautiful by Princess Faye
"Nagka-near-death experience yata ako nang magising ako na wala ka."

~ Sa tuwing naaalala ko ang kuwentong ito ay napapangiti ako. Ang cute kasi ng first meeting nina Prezzy at Dojo. At hindi lang iyon, ang hot din ni Dojo, promise! Nagulat pa ako sa nobelang ito dahil may hot scene sina Prezzy at Dojo rito. It's an amazing love story. Soooobrang amazing na sasabihin ko na sa inyo ngayon na kung wala kayong kopya nito ay bumili na kayo agad. Agad-agad! haha :D


#16 Hotness Overload Trilogy 1: Sarang Hae, My Honey by Luna King
"I shouldn't be feeling this way but... I can't help it. Ayaw kong nawawala ka sa paningin ko. Kapag hindi naman tayo magkasama, ikaw pa rin ang iniisip ko."

~ Gustong-gusto ko ang characters sa nobelang ito. Baliw na 'feelingerang Koreana' lang ang peg ni Itchie at sobrang hot naman talaga ng love of her life niyang si Min Ho. Bagay na bagay ang trilogy na ito sa mga kababaihang mahilig sa mga singkit na lalaki. I love baby Luna more for this trilogy.


#17: Hotness Overload Trilogy 2: Wo Ai Ni, My Darling by Luna King
"Habang pinipilit ko ang sarili ko na kamuhian ka, lalo lang kitang minamahal. I realized I can't stay mad at you because I love you so much."

~ Bukod sa tuwang-tuwa ako sa cover ng libro na 'to, mahal ko rin si Greyson. Pero mas mahal ko pa rin si Min Ho. Pasensya na po, ayaw ko kasi sa mga lalaking sobrang bait. Gusto ko 'yung may kaunting angas at ka-antipatikuhan. Pero sa nobela lang po, ha? Sa totong buhay, ayaw ko ng ganoon hehe! On the other hand, I admired Suri's courage. Gusto ko rin siya dahil totoo siyang kaibigan.


#18: Hotness Overload Trilogy 3: Aishiteru, My Baby by Luna King
"Kapag ngumingiti ka sa ibang lalaki, natatakot ako na baka magkagusto rin sila sa'yo gaya ng pagkakagusto ko sa'yo. Dahil 'yang ngiti mong 'yan ang dahilan kung bakit na-in love ako sa'yo."

~ Mahal ko si Greyson, mas mahal ko si Min Ho pero pinakamahal ko si Skylus. Pasensya na po, salawahan lang haha! Si Skylus kasi ang pinakamasungit kaya siya ang pinakamahal ko. Si Meiko naman, ang heroine sa istorya, ay isang kamahal-mahal na karakter. Wala kayong ibang gagawin sa buong oras na binabasa ang istorya niya kundi ang mahalin lang siya. :)



**** Anyway, sana ako ay nakatulong ako na hanapan kayo ng librong type niyong basahin :) Pasensya na, wala lang akong magawa :)

Huwebes, Setyembre 20, 2012

Bakit Laging Mayaman at Gwapo ang mga Hero sa Nobela? (Requested by Ate Lot)

Madalas na maungkat sa isang nobela kung gaano kayaman at ka-gwapo ang isang hero. Sandamakmak na kotse, matataas na building, sangkatutak na negosyo, mala-palasyong bahay, hindi mabilang na kasambahay, sangkaterbang babaeng nahuhumaling, nag-uumapaw sa kagwapuhan at kayamanang kayang pakainin hanggang ang kahuli-hulihang apo sa tuhod. Iyan ang usual na hero sa isang nobela.

Ang tanong, "Bakit ganyan ang palaging deskripsyon sa HALOS lahat ng librong nababasa natin?". Simple, because that is ideal. Sinong mambabasa ang gustong makabasa ng isang nobela na pulubi at gusgusin ang hero? Taas ang kamay! (Ha-ha!) Bilang manunulat, kailangan ay alam ko rin kung paano ako masa-satisfy bilang mambabasa. At bilang mambabasa, alam kong itatapon ko agad ang librong pulubi ang hero. (Chos lang!)

Base sa 'maikling' oras ko sa isang workshop, ayos lang kahit hindi palaging mala-prinsesa ang heroine pero kailangang laging mala-prinsipe ang hero. Isn't that unfair? (ha-ha!) Pero kung iisipin natin, sa halos 95% na babaeng mambabasa ng romance pocketbook, kaunti lang siguro sa mga iyon ang papayag kapag sinabing hindi gwapo ang magiging hero sa nobela. Sa tingin ko, common necessity na isang nobela ang 'yummy' na hero.

Para sa akin, na mahilig din lumikha ng mga gwapo at mayayamang lalaki, isa iyong rule na hindi ko dapat suwayin. Though puwede namang gumawa ang iba ng kakaibang hero, kung gusto nilang gawing madungis ang hero nila, walang problema. Para lang sa'kin, puwede kong gamitin ang 'rule' na iyan pero dapat pa ring maging unique ang 'mayaman at gwapo' kong hero.

At sa palagay ko, minsan, kahit hindi mayaman ang hero ay ayos lang BASTA gwapo siya (ha-ha-ha!). Aminin ninyo, mga girls, okay lang magpakapagod sa trabaho kung pag-uwi ninyo sa bahay, gwapo ang dadatnan ninyo. Seriously, nakagawa na ako ng mga hindi mayamang hero katulad na lang ni Romeo sa nobelang Romeo and ... Pilar?. Isa lamang siyang simpleng kapitan ng baranggay, walang marangyang bahay at hindi 'mommy' ang tawag sa nanay.

I think I made his character because I want something 'real'. Hindi madalas na makakabasa ang mga readers ng ganoon. Pero aminin man natin o hindi, iyon ang totoong buhay. Hindi naman kasi malaki ang chance na makahanap tayo ng mga lalaking sobrang gwapo at sobrang yaman, pero hindi ko sinasabing imposible, ha? Walang imposible sa mundo.

So, para sa huli kong paragraph, masasabi kong palaging mayaman at magandang lalaki ang hero sa nobela sa kadahilanang mas masarap mangarap kaysa harapin ang realidad. Joke lang. I think because everyone wants the ideal kind of man. Kahit sa ilang oras na pagbabasa nila ng mga nobela, at least, naibibigay sa kanila ang mga lalaking, sabi nga iba, hanggang nobela lang. Tanggapin natin na sa mundo ng mga nobela, hindi accepted ang hindi 'yummy' na hero dahil hindi papayag ang isang manunulat na ma-disappoint ang mga mambabasa niya.

Ciao!

Sabado, Setyembre 15, 2012

Paano nagsimula si Andie Hizon bilang writer? (Requested by Jeg Guerrero)

Nagsimula ang lahat nang wala akong magawa sa buhay ko. Tinatamad ako sa course ko, naiinis ako sa mundo. Sa pagbabasa lang ako ng pocketbook masaya. At dahil nagpalit ako ng course at hindi masyadong time consuming ang bago kong course ay sinubukan kong gumawa ng manuscript.

So, iyon ang simula, nagsulat ako ng manuscript. Wala naman sigurong writer na hindi nagsimula sa pagsusulat ng sarili niyang manuscript? At walang first timer na hindi kinabahan habang ipinapasa ang manuscript niya sa isang publishing company. Pagkatapos niyon, nagdasal na ako, hahaha! 'Yun din ang tingin kong ginawa ng iba. Pero iba ako dahil nakipag-bargain pa ako. Nangako akong magpapakabait, etc,.

My first manuscript was approved. Pero hindi Mahal Kita, Dati Pa ang title niyon. Kung ano ang title, SECRET, NO CLUE! Sunod-sunod na naaprubahan ang iba pa. Until my first book was released.

Trahedya ang kinalabasan. Siguro hindi lang na-appreciate ng mga mambabasa ang libro ko noon. So, iyon, hindi ninyo kayang imagine-in ang pinagdaanan ko noon. At hindi ko pa rin ma-imagine ngayon na nalagpasan ko iyon. 

Pero kalimutan na natin ang pangit ng part ng buhay ko bilang manunulat. Sinubukan kong bumalik sa pagsusulat, siguro ay isang taon din ang kinailangan ko para bumalik ang pride ko na sinira ng iba. Sorry sila, mas matigas ako sa akala nila.

Hindi ko alam kung ilang beses na na-returned sa'kin ang mga manuscript sa loob ng isang taong pinipilit kong bumangon. Pero wala akong pakialam, ang importante sa'kin, makabalik sa mundong gusto ko. Until one day in May, na-approve ang Mahal Kita, Dati Pa. Para akong muling ipinanganak.

Ngayon, ilang libro ko na rin ang nai-published na. Higit pa yata sa saya ang nararamdaman ko. Ang moral lesson sa blog na ito: Kung may pangarap ka, huwag kang susuko hangga't hindi mo iyon naaabot. Huwag mong hahayaan ang iba na kunin sa'yo pati ang lakas ng loob na gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa'yo. Huwag mong hahayaan ang iba na tanggalan ka ng karapatan na abutin ang mga pangarap mo. 


-----

Trivia about my novels... (requested by Luna King)

* MAHAL KITA, DATI PA

~ Ni-revise ko ang nobelang ito ng tatlong beses yata. At hindi lang ang nobela ang ni-revise ko ng paulit-ulit-ulit kundi pati ang teaser. And at the end, i believed that my editor picked the first one I sent her, haha! Ang istoryang ito ay para sa mga SAMVON Bubbles (isang fans club na umiidolo at kinikilig kina Sam Concepcion at Devon Seron). Sila ang inspirasyon ko sa "come back" novel ko. Kung bakit "come back"... SECRET! NO CLUE. haha! I love the characters, kasi nga habang sinusulat ko pa lang siya, clear na sa'kin ang mukha ng mga bida. Ang nobelang ito ang nagsalba sa'kin bilang manunulat.

* BLAZE, BE MINE

~ This was an unusual story about two people who are engaged to be married only in some hideous contract. Si Agnes, ang bidang babae, ay super duper in love kay Blaze, the hero. Pero ang hero, mahirap sungkitin. Maraming turns ang istorya, o-okay, gugulo, parang ang writer lang, hehe! But in all honesty, I love what I did in this novel. I love the hero. I love all his ka-eng-eng-an and everything. He is the first chef in my novels and I really really really do love him. 

* SECOND CHANCE TO LOVE YOU

~ I've been very vocal that this novel was the very special for me. Why? Kasi almost 50% ng love story ng buhay ko ay ibinuhos ko rito. Isinulat ko 'to habang magulo ang relasyon namin ng ex ko. Gaga nga siguro ako dahil hindi ang ex ko ang hero sa nobelang ito kundi ang current "jowa" ko. This is an insane novel, good for insane people like the writer.

* TRUE LOVE WAITS

~ Isang istorya ng tunay na pag-ibig, wow, right? Ayon sa aking pagkakatanda, ito ang unang nobela ako na nag-start ako na college students ang mga characters. A typical story of a prince and a plain Jane pero siyempre Andie Hizon's style. Galing din ng revision ang nobelang ito bago nailimbag. Hamon siya sa'kin kasi hindi ako sanay na gumagawa ng mga karakter na nag-aaral. Pero hindi ko sinukuan, bawal sumuko. Bad 'yun :D

* YOU "MAID" ME LOVE AGAIN

~ Praning ako nang isulat ko ang nobelang 'to. Sinong matinong writer ang gagawa ng isang teacher na heroine pagkatapos ay pag-a-apply-in bilang maid? Haha! But that is reality. Isang masakit na katotohanang dapat nating tanggapin. Karamihan sa mga guro ngayon, nagtatrabaho bilang janitor/janitress/maid at kung anu-ano pa. Iyon ang totoong buhay. Nang ipa-revise sa akin ang nobelang 'to, sabi ko, HINDI NA LANG. Ang dami kasing dapat ayusin. But one day, nasa office ako, tinanong ako 'nung editor at hinahanap niya sa'kin ang revision ko ng You MAID Me Love Again. Napangiti lang ako. Siyempre kahiyaan na, I said, "Sige, ma'am. Ipapasa ko sa inyo kapag tapos na." So iyon nagkaroon naman kami ng maluwalhating happy ending ng istoryang iyon at ngayon nga ay published na siya.

* ROMEO AND... PILAR?

~ Hindi biro ang kapraningan na inilabas ko sa nobelang ito. Okay sa'kin na ang babae ang nanliligaw, pero iba talaga si Pilar (Febe). Matagal kong natapos ang nobela, isinisingit ko lang kasi ito sa iba kong manuscript noon. Kakaiba ang ugali ng mga characters sa nobela ito. Pakiramdam ko nga ay lumihis ako ng landas dahil sa character ni Pilar pero ayos naman, tinanggap siya agad ng editor kaya ayun, hindi ko na sisiraan si Pilar :D

* OPC-IT STARTED WITH A FREE CUP OF COFFEE

~ Struggle. Iyan ang masasabi ko habang ginagawa ko 'to. Uncertain talaga ako kasi hindi ko alam kung tatanggapin ba bilanng series ang Oplan. Pero dahil kapalmuks ako ay itinuloy ko. Impernes to me! Pinayagan ako, haha! Wagi ang fighting spirit ko. Mabigat lang talaga kasi first book, first miniseries, nangangapa ako. Pero mahal ako ni Anderson at ni Lizette! Haha pumasa ang nobela, ay hindi pala agad-agad, minor revision ang una niyang resulta. Ahhh.. MGA isang sentence lang naman yata ang binago ko. O kaya mga dalawa haha.

* OPC-AN INVITATION OF LOVE

~ Noong una, hindi ko mapangalanan ang heroine sa nobelang ito. Super isip ako hanggang sa biglang pumasok ang isa sa mga classmates ko 'nung high school. Ang totoo niyan, Zarah Michelle ang name niya. We call her 'Zam' at kapag inaatake kami ng kaartehan 'Zamaira'. Na-realize kong unique ang name niya kaya pinagkakitaan ko naman. Sa sobrang ka-atat-an ko, mabilis kong natapos ang nobelang ito. Sinimulan ko talaga siya right after Oplan Book 1. Ayoko kasing sabihin sa'kin ng editor na, "Pa-series-series ka 'tapos hanggang isang libro ka lang." Though I know they would never say that to the writers. Praning lang po talaga ako.

* OPC-A SECRETARY FOR ANTHONY

~ Si Anthony ang unang character ng Oplan na ipinakilala sa nobelang Romeo and... Pilar?. Siya ang boss noon ni Pilar nang lumuwas siya ng Maynila dahil sa LQ nila ni Romeo. Medyo nahirapan akong gawin si Anthony, masungit kasi siya, pero slight lang naman. Pero natutuwa rin ako noong isinusulat ko na ang soft side niya kasi pakiramdam ko pati ako, kinikilig. haha! Malanding writer.

* OPC-WE FOUND LOVE IN NASUGBU

~ I don't think that Nasugbu is my first option for the title. Ibang place yata kaso hindi ako natuwa so I chose Nasugbu instead. Sikat na sikat ang kantang 'We Found Love' ni Rihanna during that time kaya hindi talaga creative ang pagkakagawa ko ng title niyan. Iyong istorya pang-hot intruder, sabi ng marami hehe! Kaya sabi ko next time susubukan kong mag-hot intruder. Relate ako sa istorya nito kasi writer ang heroine ritong si Nikki, na si Miss Nikki Del Rosario sa totoong buhay. Yes, ipinagkatiwala ko si Anieli kay Niks. Ito yata ang pinakamabili sa lahat ng libro ng Oplan.

* OPC-I LOVE HIM, I LOVE HIM NOT

~ Ang haba ng title, 'no? Ang totoo kasi niyan, wala akong ma-i-title. Walang laman ang utak ko noong gumagawa ako ng title kaya ganyan. Until now nga ay confused pa rin ako kung bakit iyan ang ginawa kong title haha! Dapat kasi "The Superstar and Plain Jane". Parang mas maganda iyong second choice ko, 'no? Tsk!

* OPC-THE FALL OF CUPID

~ Nakakahinga na ako ng maluwag noong sinusulat ko ang librong ito. Thankful na thankful ako kasi last na. Nararamdaman ko ng sa mga susunod na buwan ay mai-re-release na sila. MEDYO nahirapan akong isulat ang istoryang ito. Pakiramdam ko ay hindi ko nailabas ang lahat ng kulit ni Andie (the heroine), nakulangan ako. Pero 'nung natanggap siya, pinuri ko na lang din ang sarili ko. Hahaha!

* LOVE TEAM

~ Sequel ito ng Oplan. Request din ng ilang SAMVON Bubbles so pinagpursigihan ko siyang matapos kahit pakiramdam ko hirap na hirap ako. Parang ang tagal ko siyang sinusulat, nauubusan ako ng ideas. Sabi ko pa sa sarili ko, baka naubusan na ako dahil ibinuhos ko na sa Oplan. Pero totoo nga namang hindi nauubos ang ideya, parang dagat lang. 



PS:
Sa tingin ko ay lalabas na ang EZRA'S ONCE IN A LIFETIME LOVE sa susunod na linggo. Suportahan ninyo naman ako, o. Pleasssse :/ Sequel po iyon ng Romeo and... Pilar?

Maraming thankies :)

Ang istorya sa likod ng pagkakabuo ng Oplan: Playing Cupid :)

Paano nabuo ang konsepto?

-- Nabuo siya habang isinusulat ko ang Romeo and ... Pilar? Sa totoo lang, hindi naman siya dapat series. Hindi ko alam kung bakit ako tinoyo 'nung isinusulat ko na ang first book at nagdesisyon akong gawan siya ng sariling title.

Sino-sino ang original characters?

-- Ang first set ng names ay Angelo, Anjo, Andrew, Anthony, Andrei and Andie. So sina Andie at Anthony lang ang na-retain. Kahit balikan natin ngayon ang Romeo and ... Pilar? Angelo ang name ng panganay na Duavit. Hahaha!

Describe the characters :)

-- Si Anderson, ang panganay sa mga Duavit. Noong una, gusto ko siyang gawing isang klase ng lalaking iresponsable. Kasi 'diba? Sa isang Online Gaming Company siya nagtatrabaho. So, imbes na gawing iresponsable, ginawa ko siyang light na karakter. Not too responsible, not irresponsible. Siya ang tipo ng lalaking masarap kausap at magaan kasama. (Hindi ba ako parang nag-e-endorse ng alak? hahaha!)

-- Si Anthony, siya naman ang pangalawa sa panganay pero kung babasahin natin ang nobela, parang siya pa ang panganay. Siya naman ang tipo ng lalaking mahirap biruin dahil napakaseryoso. Sinadya kong gawing "mature" ang character niya. Pero siyempre may soft side pa rin. And I think that's what makes him lovable. 

-- Si Ansell, ang pinaka-sexy sa mga lalaking Duavit, base iyan sa imagination ko, haha! He is the haciendero type of a guy. Imagine-in niyo 'yun! Para sa'kin, si Ansell ang pinaka-hot sa lahat ng hero na nabuo ng imahinasyon ko.

-- Si Andreu, ang pinaka-friendly sa lahat. Kung hot si Ansell, cute naman ang unang word na pumasok sa isip ko para kay Andreu. Siya iyong tipo ng lalaking masarap kausap at smile pa lang ulam na. Mapang-inis siya pero sa babaeng gusto niya lang. Hindi siya plastic na tao kahit pa show business ang pinagkakaabalahan niya. And he cares for everyone's feeling. Which I think is not a 'plastic' attitude. Ayaw niya lang ng may nasasaktan. Tapos.

-- Si Anieli, ang bunso sa mga lalaking Duavit. He is the second friendly person in the family, next to Andreu. Bilang bunso sa mga lalaki, siya ang pinaka-childish, o ako lang ang nag-iisip 'nun? Hahaha! Si Anieli ang pinakamasarap makasama dahil hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. He can sacrifice his own feelings for his siblings. Hindi halata pero good catch talaga 'tong si Anieli.

-- Si Andrea, ay naku po! Wala akong masabi hahaha! Si Andrea o Andie ang dakilang Kupida ng pamilya.Sa kanya nagsimula ang Oplan: Playing Cupid. Siya ang isang taong hindi mo puwedeng rendahan. Para siyang ikinukulong kapag hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niya. Pasensya na, mana siya sa'kin, hihihi :)


P.S
Para sa mga taong bumili (nag-aksaya ng pera) at nagbasa (naniwala sa kalokohan ko), maraming salamat at mahal ko kayo :):*

Bakit Romance-Comedy ang genre ni Andie Hizon?

Maraming nagtatanong kung bakit Rom-Com ang genre na napili ko. Ito ang sagot:

1. Dito ako masaya.
2. Dito ako komportable.
3. Hindi ako magaling magpaiyak.
4. Ayoko ng stressful na buhay.
5. Hmmm. Wala trip lang :D

Palagi, ay hindi naman, minsan may nabasa akong komento na nagsasabing puro pa-tweetums lang daw ang mga nobelang rom-com ang genre, hindi raw sensual, nakakasuya na. Ang masasabi ko naman: Ahh.. Huwag mo na lang basahin?

Hindi pare-pareho ang "taste" ng bawat mambabasa. May kanya-kanya rin tayong mood. Minsan gusto mong matawa, minsan gusto mong maiyak. Depende talaga.

Para sa'kin, hindi maganda ang pagdya-judge sa isang libro. Lahat ng libro may kuwenta, lahat may silbi, lahat may mapupulot ka. Kahit pa kalokohan lang, at least may bago kang natutunan. At least may naramdaman ka. Walang librong walang sense. Nasa nagbabasa lang talaga.

Balik tayo sa Rom-Com...

Sabi nila paboritong genre ng mga baguhang manunulat ng romance pocketbook ang rom-com. Ayaw ninyo ba 'nun? Ang ibig sabihin, maraming manunulat ngayon na gustong magpasaya ng mga mambabasa. Maraming manunulat ngayon na gustong maging magaganda at stress free ang readers nila. 

At naniniwala akong hindi kailangan ng isang bonggang-bonggang sex scene ng isang libro para kiligin ang taong nagbabasa niyon. Sa isang simpleng paghawak lang ng kamay ng mga karakter, maaari ka ng kiligin. At huwag tayong maghanap ng sex scene sa mga baguhan dahil karamihan sa amin ay mga bata pa. So, sa totoo lang, ang target market namin ay mga kabataan din.

Pero hindi ako magmamalinis, sinubukan ko na ring gumawa ng hot scenes sa ilang nobela ko. Pero siyempre hindi iyon intense. At sa bandang huli, rom-com pa rin ang dating niya. 

Ang mensahe ko lang sa lahat ng mambabasa: Respetuhin natin ang bawat isa. Susme! "It's a free country, you can do what you want!" sabi 'yan ni Bossing :)

Kung ano ang trip ng iba, huwag nating basagin iyon. Ito ang trip ko, sana respetuhin ninyo :)